STAR FM BACOLOD – Nangangamba ang Pinay na kagagaling lang sa Wuhan, China na baka nahawahan na rin siya ng Corona Virus.

-- Advertisement --

Sa exclusive interview ng Star Fm Bacolod kay Mrs Jay Wang, sinabi niyang kasalukuyan siya ngayong nasa Haiku City, China para mag celebrate ng Chinese New Year kasama ang Chinese husband at tatlong pang miyembro ng pamilya nito.

Galing umano sila sa Wuhan noong January 19 at plano sanang magpa check up pag-uwi nila sa Nanzhang City kung saan may naitala na ring nagpositibo sa nasabing virus.

Dagdag pa ni Mrs. Wang na kaunti nalang ang taong lumalabas para kumain sa mga restaurants pero nakakaranas pa rin ng traffic sa Haiku City.

Karamihan aniya ng mga tao ay naka mask na rin.

Sa ngayon ay maayos naman ang pakiramdam niya maging ang apat pang mga kasamahan.