-- Advertisements --

Patuloy pa na iniimbestigahan ng otoridad ang pagkamatay ng isang Overseas Filipino Worker(OFW) sa HongKong.

Ayon kay Bombo International Correspondent Jing Gabiazon,direkta sa HongKong, natagpuan ang domestic helper sa loob ng kanyang silid sa bahay ng kaniyang employer sa Sea View Villas, Sai Kung.

Sinabi ni Gabiazon na hindi pa inilalabas ang pangalan ng biktima ngunit ito tinatayang nasa 48 anyos.

Dagdag ni Gabiazon na tumawag sa pulis ang employer ng Pinay at inireport na nakitang walang malay ang OFW at nang dumating ang otoridad, nakumpirma na wala na itong buhay.

Patuloy naman na nakikipag-ugnayan ang Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) sa otoridad sa Hong Kong.