KORONADAL CITY – Nagsimula na ang operasyon ng testing center sa South Cotabato na itinuturing na pinakauna sa buong Pilipinas na binuo sa pamamagitan ng public-private partnership.

Sa panayam ng Bombo Radyo Koronadal kay South Cotabato Governor Reynaldo Tamayo, ito’y matapos nakuha na ng Dr. Arturo P. Pingoy Medical Center ang license to operate nito kahapon, Hunyo 5 kung saan maaari aniyang ma-process ang 30 samples loob lamang ng walong oras.

Hinihintay rin umano nito ang GeneXpert machine na binili ng LGU upang makaproseso ito ng hanggang 90 samples.

Maliban nito, maaari ring i-cater ang mga swab test samples ng ibang lalawigan sa rehiyon 12 sa naturang testing center.

Batay sa lisensiya na ibinigay ng Health Facilities and Services Regulation Bureau ng Department of Health (DOH), magiging epektibo ang operasyon nito hanggang sa katapusan ng taong 2020.