Pumalo na sa 12,722 katao ang namatay sa Estados Unidos matapos maitala ang pinakamataas na bilang ng nasawi sa naturang lugar sa loob lamang ng isang araw.
Sa datos na inilabas ng John Hopkins University, nasa 1,736 COVID-19 patients ang namatay sa Amerika ngayong araw.
Halos 398,000 ang kumpirmadong kaso ng coronavirus sa bansa kung saan ito na ang pinakamataas na bilang sa buong mundo.
Umakyat na sa 1,430,516 ang kabuuang bilang ng mga dinapuan ng COVID-19.
Halos isang milyon sa mga ito o 998,757 (95%) ay nasa mild condition, habang ang 47,912 (5%) ay nasa critical condition.
Pinakamarami pa rin sa mga pasyente ay mula sa Estados Unidos na may 400,323, pangalawa ang Espanya na may 141,942 at pangatlo ang Italya na nakapagtala naman ng 135,586.
Ang mga nasawi naman ay umaabot na sa 82,019.
Habang gumaling ang 301,828, matapos ang gamutan at quarantine procedure.