Mahigpit na binabantayan ngayon ng Kongreso ang development sa pinakamalaking vaccination program ng Department of Health (DOH).

Hindi pa rin kasi nakakapaglabas ng update ang Health Technology Assessment Committee hinggil sa dalawang 

pneumococcal conjugate vaccines (PCVs), na ayon kay Health Usec. Maria Rosario Vergeire ay pinaglaanan ng P4.9 billion.

Mababatid na pansamantalang inihinto ng DOH ang vaccination program nilang ito matapos na sabihin ng mga eksperto mula sa iba’t ibang panig ng mundo na wala namang pinagkaiba ang bisa ng PCV10 at PCV13.

Kaya ayon kay PHILRECA Rep. Presley de Jesus, dapat magkaroon ng open at competitive bidding process para sa bakunang gagamitin sa programang ito.

Hindi rin aniya dapat maantala ang pagbili ng mga bakuna para sa vaccine-preventable diseases lalo pa ngayong may COVID-19 pandemic.