LEGAZPI CITY – Nadagdagan pa ang pilot area ng implementasyon ng Universal Healthcare Law sa Bicol habang positibo ang Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth) na madaragdagan pa ito sa mga susunod na buwan.

Maliban sa Masbate at Sorsogon, nadagdag pa sa mga pilot areas ang island province ng Catanduanes.

-- Advertisement --

Sa panayam ng Bombo Radyo Legazpi kay PhilHealth Bicol Public Affairs Unit head Leri Ilagan, sinabi patuloy ang pagpapalakas ng mga programa na konektado sa naturang batas upang maging bentahe sa mga kasapi.

Una nang nabatid na sa ilalim ng naturang batas, lahat ng Pilipino ay sakop na ng PhilHealth.

Pinasalamatan naman ni Ilagan ang suporta ng media sa mga programa ng nasabing ahensya.