-- Advertisements --

Nakiusap ang Pilipinas sa China na agad na tanggalin ang kanilang mga fishing vessels at mga maritime assest sa West Philippine Sea.

Sa inilabas na kalatas ng Department of Foreign Affairs (DFA) na dapat tanggalin na ng China ang anumang gamit nila sa Kalayaan Group of Islands sa West Philippine Sea.

Dapat rin aniya na utusan ang mga fishing vessels sa huwag sirain ang mga coral reef.

Magugunitang naghain ang Pilipinas ng diplomatic protest matapos na makita ang mahigit 200 na mga fishing vessels ng China Julian Felipe Reef ng West Philippine Sea.

Mariing pinabulaanan naman ng China ang nasabing alegasyon.

-- Advertisement --