-- Advertisements --

Patuloy pa rin sa pamamayagpag ang Team Pilipinas sa ginaganap na 44th Chess Olympiad sa India matapos na masilat ang bansang Sweden sa score na 2.5-1.5 sa Round 5.

Dahil dito umangat pa ang puwesto ng Pilipinas sa pang-21 sa kabila na mahigit sa 100 mga bansa ang lumalahok.

Una rito nagawang maitabla ng mga Pinoy players ang Board 2 hanggang Board 4 na kinabibilangan ni GM John Paul Gomez, GM Drawin Laylo at at IM Paulo Bersamina habang sa top board naman ay naitumba ni GM Mark Paragua ang top player ng Sweden na si GM Erik Blomqvist.

Samantala, hindi naman matinag sa unang puwesto ang ikalawang team ng host India, habang umakyat sa ikalimang puwesto ang Team USA makaraang talunin ang Israel.