-- Advertisements --

Kabilang ang Pilpinas na napili ng FIBA na maglalaro sa inilunsad nilang kauna-unahang international esport tournament.

Ang FIBA Esport Open 2020 ay kinabibilangan ng 17 bansa na gaganapin mula June 19-21.

Gagamit ang FIBA ng NBA 2K Pro-Am mode para sa remote play.

Ilan sa mga bansang kasama ay ang Argentina, Australia, Austria, Brazil, Cyprus, Indonesia, Italy, Latvia, Lebanon, Lithuania, New Zealand, Russia, Saudi Arabia, Spain, Switzerland at Ukraine.

Sinabi ni FIBA Media and Marketing Services Director General Frank Leenders na inisyatibo ito ng FIBA Central Boards para mas lalong mapalawak ang FIBA family.

-- Advertisement --

Nais din kasi ng FIBA na hindi mawala ang basketball ngayong panahon ng coronavirus pandemic.

Bawat koponan ay binubuo ng pitong manlalaro, lima sa court at dalawang reserves kung saan customizable experience mula player avatars, uniforms, at home arenas.

Mula kasi noong Marso ay natigil ang mga laro dahil sa banta ng coronavirus sa buong mundo.