kabulsgd
-- Advertisements --

Tatanggap ang gobyerno ng mga Afghan refugees matapos na kontrolin ng Taliban ang pamumuno ng Afghanistan.

Sinabi ni Department of Foreign Affairs (DFA) Secretary Teodoro Locsin Jr, na bukas ang pinto ng bansa para sa mga Afghans na naghahanap ng matutuluyan.

Hindi na nagbigay pa ng anumang impormasyon ang kalihim para na rin sa kaligtasan ng mga biktima.

Nauna ng sinabi ni Locsin na hindi tatanggap ang Pilipinas ng mga Afghan refugees hanggang magkaroon ng kasunduan ang gobyerno ng Afghanistan at ng Pilipinas.