Handa raw ang Pilipinas na pamahalaan ang mga panganib na dulot ng hidwaan ng Russia at Ukraine at ang mapanirang epekto ng natural calamities.
Ito ang inihayag ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ayon sa Office of the Press Secretary (OPS).
Handa rin umanong tugunan ng Pilipinas ang mga factors na siyang nagiging dahila ng steep at persistent inflationary pressures sa food, transportation at energy.
Dagdag ng OPS, sa isinagawang intervention ni Pangulong Marcos sa Second ASEAN Global Dialogue, ipinunto raw ng punong ehekutibo na ang risk management ay maidadaan sa pamamagitan ng Medium-Term Fiscal Program at ang Philippine Development Plan (PDP) 2023-2028.
Naglalaman ito ng targets at strategic actions ng mga government agencies sa susunod na anim na taon.
Ibinida rin ng Pangulong Marcos ang gross domestic product (GDP) growth rate na lumabas pa mula sa 5.7-percent noong 2021 sa 7.8-percent average growth rate para sa first half ng 2022.