LA UNION – Patay ng isang Pilipinang madre matapos tamaan ng coronavirus disease (COVID-19) sa Barcelona, Spain.

Kinilala ang madre na si Sister Maria Gratia Balagot, superior ng Missionary Benedictine Sisters na nakabase sa bansang India.

Sa panayam ng Bombo Radyo kay P/Capt. Eugenio Balagot ng La Union Police Provincial Office, nakababatang kapatid ng naturang madre, sinabi nito na nagtungo si Sister Maria sa Espanya upang i-renew ang kanyang visa nang mahawaan ito ng COVID-19.

Noong nakaraang taon ang huling pagkikita ng magkapatid nang magbakasyon ito sa Pilipinas matapos ang siyam na taon.

Agad ding nai-crimate ang bangkay ng madre matapos itong bawian ng buhay.

Si Sister Maria, 71, ay tubong bayan ng Aringay, La Union at nagsimula ang pagiging misyonaryo nito sa India noong 2016 kasunod ang paglilibot nito sa iba’t ibang bansa.