Nagbigay ng aabot sa 12,000 na face mask sa mga frontliners si 2015 Miss Universe Pia Wurtzbach.

Ang nasabing pagbibigay ng facemask ay mula sa inilunsad nitong fundraising activity na makalikom ng 25,000 na piraso ng mga surgical mask.

Hinati nito ang 11,900 na piraso ng facemask sa 12 pagamutan.

Ang nasabing bilang ay bukod pa sa naunang 5,000 na mask na naibigay sa apat na pagamutan sa Metro Manila noong Marso 31.