Ngayon pa lamang ay kinansela muna ni 2015 Miss Universe Pia Wurtzbach ang mga plano sana nito para sa nalalapit na Holy Week ngayong Abril.

Ito’y kasabay ng pagbahagi na sa wakas ay mayroon na aniya siyang sariling bahay na mas kailangan nitong pagtuunan ng pansin habang kasagsagan ng paglilipat.

“Actually I am transferring to my new home now. I am at the process of paglilipat. So for Holy Week, I’ll be staying here because I need to move all of my stuff,” saad nito sa push.

Ayon kay Wurtzbach, excited siyang dekorasyunan ang sariling bahay mula sa furnitures at iba pang kinakailangan.

Ang ngayo’y 29-year-old half German beauty na tubong Cagayan de Oro ang pangatlong Pinay na kinoronahang Miss Universe.

Kamakailan lang nang isapubliko ang wax replica ni Wurtzbach na permanenteng ididisplay sa Madame Tussauds Hong Kong.