Hindi na pinamlapas ng Phoenix ang pagkakataon para makapasok sa semfinals ng PBA Philippine Cup matapos talunin ang Alaska Aces 91-76.

Ito ang unang pagkakataon na makapasok sa semifinals ang Phoenix sa buong franchise history.

Nanguna si Jason Perkins na nagtala ng 31 points habang mayroong 14 points si Matthew Writght at 12 points naman kay Calvin Abueva.

Labis ang kasiyahan ni Phoenix coach Louie Alas dahil nakapagtala sila ng kasaysayan sa franchise ng koponan.

Susunod nilang makakaharap ang sinumang manalo sa pagitan ng San Miguel Beermen at TNT Katropa.