-- Advertisements --

Nilinaw ng Philippine Postal Office (PHLPost) na hindi namimigay ng financial aid ang kagawaran.

Kinumpirma ng ahensiya na isang scam ang isang quiz game, na umiikot ngayon sa social media.

Nagbabala ang PHLPost na huwag i-click ang link na maaaring magkaroon ng access ang mga scammer sa mga personal na impormasyon na hihingin ng website.

Paalala pa nito na hinding hindi gagawin ng kanilang ahensya ang tumawag, mag-text o mag-email, at humingi ng personal na impormasyon o mag-request ng bayad o magpa-click ng ano mang email link, para makapag-claim ng anumang package.

Ang nasabing public announcement ng PHLPost ay bunsod ng link na shini-share ngayon sa social media, kung saan kailangan mo lang sumagot ng apat na katanungan, at may tsansa ka na manalo ng P7,000 na ayuda at maki-claim mo ito kapag shinare ang link sa ibang tao.