May nakalatag nang plano ang Philippine Navy para sa planong gawing floating quarantine facility ang presidential yacht kasunod nang naging utos ni Pangulong Rodrigo Duterte.
Ayon sa Navy, kayang makapag-accomodate ng BRP Ang Pangulo (ACS-25) ng nasa 28 suspected COVID-19 patients kasama na ang limang medical personnel.
Sinabi ng Navy na mahigpit na susundin ang 3-meter distance sa pagitan ng mga pasyente, at magkakaroon din ng iba’t ibang entrey points para sa kanila at medical staff.
Magkakaroon ng tatlong exclusive compatments para sa mga pasyente.
Mananatili namang onboard ang crew ng BRP Ang Pangulo, pero hindi sila maaring makapunta sa mga itinalagang lugar para sa mga pasyente.
Sa ngayon, nasa Naval Forces Estern Mindanao area ang BRP Pangulo.