Malaking bahagi ng bansa ang maapektuhan ng easterlies ngayong araw ng Linggo.

Ayon sa Pagasa, makakaranas ang Metro Manila, Bicol Region, Eastern Visayas, at Mindanao ng bahagyang maulap hanggang sa maulap na kalangitan na may kasamang isolated rainshowers o thunderstorms bilang epekto ng easterlies.

Nagbabala naman ang state weather bureau sa mga residente ng apektadong mga lugar sa posibleng malakas na pag-ulan na magresulta sa pagbaha o landslides.