Binabalak umano ng Department of Health (DOH) na isailalim sa coronavirus test ang malaking porsyento ng populasyon ng Pilipinas o halos 10-milyong katao sa 2021.
Ayon kay Health Secretary Francisco Duque III, as of July 20 ay nasa 1.120 million tests na ang isinagawa ng ahensya ngunit hindi raw kakayanin na i-test ang bawat mamamayan.
Kahit daw kasi ang Estados Unidos, na itinuturing na pinaka-mayamang bansa sa buong mundo, ay hindi kayang isailalim sa COVID-19 test ang lahat ng Amerikano.
Kumpyansa naman si Duque na kayang lagpasan ng Pilipinas ang 40 milyong inidibidwal na isinailalim sa testing ng Amerika.
Mayroong kapasidad ang local screening system ng hanggang 74,000 daily tests at posibleng umabot ng 20,000 hanggang 23,000 COVID-19 tests kada araw, ayon kay Duque.