navy2

Hindi makikiisa ang Pilipinas sa anumang navy drills na gagawin sa West Philippine Sea.

Ito ang inihayag ni Defense Secretary Delfin Lorenzana.

Ayon sa kalihim, naglabas ng direktiba si Pangulong Rodrigo Duterte na iwasan ng Pilipinas na makiisa sa mga joint military drills ng ibang bansa sa West Philippine Sea gaya ng United States na posibleng pagmulan ng tensiyon sa nasabing rehiyon.

Ito ay pwera na lamang kung sakop pa ito sa 12 mile distance mula sa mga baybayin ng bansa.

“Pres. Duterte has a standing order to us, to me that we should not involved ourselves in naval exercises in the South China Sea except our national waters,” pahayag ni Lorenzana.

Nais lamang daw ng Pangulo na hindi magkaroon ng miscalculations at maging sanhi pa ng tensiyon.

Kaliwat kanan naman ang batikos sa Pangulong Duterte dahil sa pahayag nitong inutil at hindi nito kayang pigilan ang pagiging agresibo ng China sa pagsakop ng mga isla sa pinag-aagawang teritoryo sa tinaguriang disputed islands.

Ayon naman kay AFP chief of staff Lt. Gen. Gilbert Gapay walang direktiba sa kanila si Pangulong Duterte na itigil ang pagpapatrulya sa teritoryo ng bansa partikular sa West Philippine Sea.

“We are still you know covered with code of conduct, rules of engagement and as long as everybody there would abide by the law particularly the convention on laws of the sea and of course the one being crafted now the code of conduct of all countries there in West Philippine Sea, I guess we would address all tensions or issues peacefully, so that is also what we intend to do in the Armed Forces of the Phils,” pahayag pa ni Lt Gen. Gapay.