Inalok ni Pang. Rodrigo Duterte kay Philippine Army chief, Lt. Gen. Rolando Joselito Bautista ang posisyon bilang susunod na National Food Authority (NFA) Administrator sa sandaling mag retiro na ito sa serbisyo.

Papalitan sa pwesto ni Bautista si NFA Administrator Jason Aquino.

Si Bautista ay nakatakdang mag retiro sa serbisyo sa October 15, 2018.

Sa isinagawang command conference sa Cagayan kanina, inalok ng Pang. Duterte ang pwesto kay Bautista.