Muling humingi ng paumanhin si Philippine SEA Games Organizing Committee (PHISGOC) Chairman at House Speaker Alan Peter Cayetano sa ilang aberya na naranasan sa nagpapatuloy na 30th Southeast Asian Games na ginanap sa bansa.

Isinagawa nito ang pahayag sa Gala Dinner nitong Linggo sa isang kilalang hotel sa bansa para sa mga sports officials ng bansa.

Ayon pa dito na pinapahalagahan ng bansa ang mga atleta ng ibang bansa at ng ating sariling atleta.

Dinaluhan ito ng mga opisyal ng Philippine Sports Commission, Philippine Olympic Committee, International Olympic Committee at ilang miyembro ng gabinete.
Umawit din sa nasabing okasyon ang singer na si Rachelle Ann Go.