Nilinaw ni PhilHealth president at CEO Ricardo Morales na wala siyang problema kay Presidential Spokesperson Harry Roque Jr.

Magkaiba man aniya ang kanilang “frequency” pero parehas lamang aniya ang direksyon na kanilang gustong puntahan at ito ay ang makatulong sa publiko.

Noong nakaraang linggo lang, sinabi ni Roque na ibubunyag niya ang aniya’y mga “new anomalies” sa PhilHealth, kasabay nang pagbatikos sa umano’y kabiguan ng liderato ng state insurer na habulin ang mga korap na opisyal.

Bilang sagot, sinabi ni Morales na bukas siya sa ideya ni Roque na maghanap ng kanyang kapalit sa Philhealth kung sa tingin nito ay hindi kaya ng kasalukuyang liderato na maipatupad ang Universal Health Care Law.