PASIG CITY – Bigo ang Pilipinas na masungkit ang bronze medal ng 2019 Southeast Asian (SEA) Games women’s volleyball tournament matapos talunin ng Indonesia sa makapigil hiningang 5-setter match.

Ang final score: 20-25, 24-26, 25-25, 20-25, at 16-14.

Pinangunahan ni Ces Molina ang puntos para sa Pilipinas na may 17-points.

Tumulong din sa 14 points si Alyssa Valdaz, habang may 11 points si Majoy Baron, at tig-7 points sina Mylene Paat at Jovelyn Gonzaga.

Dahil dito na-extend pa ang medal drought ng Pilipinas sa women’s division ng SEA Games volleyball na huling nag-podium finish noong 2005.

Bukas susubukan naman ng men’s team na sungkitin ang gold medal laban sa koponan ng Indonesia.