beach volleyball sea games

Bagamat na sweep ng team Pilipinas ang dalawang natitirang laban sa beach volley ball tournament na ginanap sa Subic kinailangan pa ng Pilipinas na hintayin ang naging resulta ng laban sa pagitan ng Vietnam at Indonesia.

Natapos ang women’s division ng veach volley tournament kung saan gold ang Thailand habang naka-silver ang Indonesia at bronze naman ang Pilipinas.

Una rito na-sweep ng tandem nina Bernadeth Ponz at Sisi Rondina ang Singaporean side sa Team A habang pinayukod din sa pamamagitan ng sweep ng Team B ng Pilipinas na sina Dzi Gervacio at Dij Rodriguez ang Team B ng Singapore.

Pero hindi naging madali ang laban dahil dikit sa point system ang Pilipinas at Vietnam na kinalaban naman ang Indonesia sa kabilang court.

Kaya noong pagkatapos ng laban halos lahat ng Pinoy beach volley fans at mga players ay pumunta sa kabila court para mag-cheer naman sa Indonesia.

Hindi pinahiya nng Indonesia ang cheering Pinoy fans sa pamamagitan ng straight set win laban sa Vietnam na nagbigay daan sa Pilipinas na kunin ang bronze medal.