-- Advertisements --

Sumali na rin ang Pilipinas sa ginagawang pag-aaral ng World Health Organization (WHO) na layuning maghanap ng treatment sa pandemic na coronavirus disease (COVID-19).

Ayon kay Health Sec. Francisco Duque III, ipinadala na ng sa “Solidarity Trial” ng WHO si Dr. Marissa M. Alejandria ng Philippine Society of Microbiology ng Infectious Disease bilang reprsentative ng Pilipinas.

Makakasama raw niya si Usec. Maria Rosario Vergeire bilang official liason ng DOH sa WHO.

Noong March 18 nang simulan ng WHO ang pagsisimula ng global solidarity trial matapos ang ginawang genetic sequencing ng China.

“This large, international study is designed to generate the robust data we need to show which treatments are the most effective,” paliwanag ni WHO chief Tedros Adhanom Ghebreyesus.

Ilan sa mga unang bansa na nakiisa sa research ang Argentina, Bahrain, Canada, France, Iran, Norway, South Africa, Spain, Switzerland at Thailand.

Ayon kay Dr. Ghebreyesus kailangang dumaan sa isolation, test, treatment at tracing ng mga bansa ang sakit para mapigilan o makontrol ang pagkalat nito.

Kung mapapabayaan daw kasi ay posibleng magpatuloy ang transmission chain nito kahit sa mababang level, at hindi malayong lumawak muli ang pagkalat kapag inalis na ang social distancing measures.