-- Advertisements --

Nagtala ang Philippine Peso ng 17-year low sa trading ngayong araw.

Bunsod ito ng pagbulusok ng local currency ng Pilipinas sa P54.47 kontra sa isang US dollar.

Huling naitala ang ganitong palitan noon pang taong 2005.

Gayunman, sa pagsasara ng trading, nairehistro pa rin ang P54.20 para sa katumbas ng isang US dollar.

Naniniwala ang ilang analyst na kailangan nang mag-adjust ng ilang polisiya ang Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP).

-- Advertisement --

Pero para kay BSP Governor Benjamin Diokno, hindi kailangang magpadalos-dalos ng aksyon dahil may ilang factors din silang kinokonsidera sa ganitong kondisyon.