-- Advertisements --
DOH

Nakapagtala ang Department of Health (DOH) ng pinakamababang aktibong kaso ng coronavirus 2019 (COVID-19) nitong araw ng linggo mula sa nakalipas na 53 araw.

Sa kabila ng pagkakatala ng 521 bagong kaso ng Covid19 nitong linggo.

Ang bilang ng aktibong kaso ay bumaba ng 109 na nasa 8, 244 mula sa 8,353 cases noong Sabado, Hunyo 24.

Ito na ang ikalawang araw na sunod na pagbaba ng aktibong kaso at pinakamababa naman sa nakalipas na halos dalawang buwan mula ng maitala ang 7,565 active cases noong Mayo.

Ang National Capital Region ang nakapagtala ng pinakamataas na bilang ng mga kaso sa nakalipas na dalawang linggo na nasa 1,740, sinundan ito ng Central Luzon na nasa 1,211, Calabarzon na may 1,115, Western Visayas na nasa 709, at Ilocos Region na may 543 active cases.

Pagdating naman sa mga probinsiya at siyudad, ang Quezon City ay nakapagtala ng 439 cases, Iloilo may 401, Cavite na may 370, Bulacan na may 311, at Pampanga na may 294 cases.