May pagkakataon pa ring makasungkit ng medalya sa 2019 Southeast Asian (SEA) Games volleyball ang Men’s team ng Pilipinas sa kabila ng pagkakatalo kontra Indonesia.

Pasok pa rin sa semifinals ang Men’s team kahit may nadungisan na ang kanilang 2-0 win loss record.

Ito ang unang talo ng Pilipinas sa men’s division Group B.

Ang final score ng laban: 25-23, 32-30, 25-20 panalo ang Indonesia.

Top scorer ng Team Pilipinas si Bryan Bagunas na tumrabaho ng 24 points.

Sinundan sya ni Mark Espejo na may 17 points.

Sa linggo magsisimula ang semifinals ng SEA Games men’s volleyball kung saan makakatapat ng Pilipinas ang defending champion na Team Thailand.