karatedo

PASAY CITY – Masayang naibulsa ng karatedo team ng Pilipinas ang isang ginto at isang silver medal sa Kumite Category ng larong Karatedo.

Panalo si Junna Villanueva Tsukki sa 3-0 na score kontra kay Vietnam athlete Thi Huong Dinh sa final round ng womens individual -50kg saKumite.

Samantala, bigo naman si Norman Montalvo na masungkit ang ginto kontra sa kalabang Malaysian athlete na si Prem Kumar Selvam matapus malamangan ng limang puntos (6-1) sa mens individual -55kg Kumite.

Umaapaw ang supporta na ibinigay ng mga Pinoy sa mga atleta na lumaban sa pinakaunang araw ng Karatedo.

Una rito, nagbulsa naman ng dalawang bronze sa men and women category ng Kata sa pareho pa ring laro.

Panalo sa women si Sarah Pangilinan at sa men’s naman ay si John Enrico Vasquez. (Report by John Salonga)