-- Advertisements --

Naghain ang Pilipinas ng ratification documents para sa International Labour Organization’s (ILO) Convention No. 190 na naglalayong malabanan ang karahasan at harassment sa lugar ng trabaho.

Bunsod nito, ang Pilipinas ang kauna-unahang bansa sa Asya na nagratipika ng convention at ika-38 naman sa buong mundo.

Sinabi ng Department of Labor and Employment (DOLE) sa isang seremoniya sa ILO headquarters sa Geneva, Switzerland, nananawagan ang convention para magkasundo na magkaroon ng maayos na pagtrato sa bawat manggagawa ng patas anuman ang kanilang status, kapasidad at sektor.

Maaalala, pinagtibay noong 2019 ang Convention No. 190 na nagtatag ng kauna-unahang komprehensibong worldwide framework para matugunan ang karahasan at harassment sa trabaho.

Prinoprotektahan din nito ang mga indibidwal kabilang ang mga intern, apprentices at ang mga mayroong employer duties o authority sa trabaho.

Saklaw din nito ang marami pang sektor gaya ng public and private, formal and informal economies, urban and rural locations, na nagtitiyak na ang lahat ng empleyado ay may karapatan para sa ligtas at may respeto sa isa’t isa.