-- Advertisements --

Hindi aabandonahin ng gobyerno ng Pilipinas ang 17 Pilipinong seaferers na nananatiling bihag ng Houthi rebels simula noong Nobiyembre ng nakalipas na taon.

Ito ang tiniyak ni Department of Foreign Affairs Undersecretary Eduardo De Vega.

Bagamat hindi pa aniya mapapalaya sa lalong madaling panahon ang 17 bihag dahil ang mga demand ng Houthis ay ‘political in nature’.

Kayat hindi kasama ang mga ito sa batch ng 11 Pinoy seaferers na lulan ng barbados flagged carrier na M/V True Confidence na inatake din ng missile ng Houthis na nakatakdang bumalik sa bansa mamayang 6;15pm.

Sa kabila nito, tiniyak naman ng DFA official sa pamilya ng 17 Pinoy seaferers na ipagpapatuloy nila ang pakikipag-ugnayan sa mga ito para malaman ang kanilang sitwasyon.

Ang 17 bihag ng Houthis ay kabilang sa 25 crew members ng MV Galaxy Leader na binihag ng Houthi rebels na umaatake sa mga sasakyang pandagat na naglalayag sa Red Sea at Gulf of Aden na konektado sa Israel bilang pakikiisa sa kaalyado nilang Hamas sa Gaza laban sa Israeli forces.