-- Advertisements --

Nag-ulat ng 1,657 na mga bagong kaso ng COVID-19 ang Department of Health (DOH) kasabay ng ikalimang State of the Nation Address ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Ayon sa DOH, bunga ang nasabing bilang ng submission ng 59 mula sa 90 laboratoryo sa bansa. Kaya naman ang total ay umaabot na sa 82,040.

Mula sa naturang total, aabot pa sa 53,649 ang nagpapagaling na confirmed cases.

Samantala, ang bilang naman ng mga recoveries ay nasa 26,446 na dahil sa 359 na bagong gumaling.

Habang 16 ang nadagdag sa death toll na may total nang 1,945.

“Sixty-five (65) duplicates were removed from the total case count. Of these, twenty-three (23) recovered cases and two (2) deaths have been removed. Moreover, one (1) case that was previously reported to have died has been validated to be an active case.”