eumir marcial boxing
Eumir Felix Marcial of the Philippines (photo from Go for Gold Philippines)

Malaki ang tiwala ng Philippine boxing team na makakahakot ang sila ng medalya sa 30th Southeast Asian Games.

Sinabi ni Association of Boxing Alliance Secretary-General Ed Picson, wala silang medal prediction pero tiniyak nilang kayang-kaya nilang humakot ng medalya.

Dagdag pa nito na hindi lamang ang Thailand ang itinuturing nilang mabigat na kalaban at sa halip ay lahat ng bansa na kalahok sa torneo.

Ilan sa mga boksingerong sasabak ay sina Eumir Felix Marcial, Carlo Paalam, Rogen Ladon, Charly Suarez, James Palicte, Marjon Piañar, Ian Clark Bautista at John Tupas-Marvin.

Sa naging panayam naman ng Bombo Radyo kay dating AIBA world junior champion Marcial, 23, inamin nito na ams lumakas ang kanyang loob upang pangunahan ang team lalo na at sasabak sila sa harap ng mga kababayan.

Ang Zamboangenio native ay una nang nakasungkit ng silver medal noong buwan ng Setyembre sa 2019 AIBA Men’s World Boxing Championships na ginanap sa Yekaterinburg, Russia.