DOF CARLOS DOMINGUEZ
DOF Secretary Carlos Dominguez III

Pumirma na ang Pilipinas ng kasunduan sa China-led Asian Infrastructure Investment Bank (AIIB) para sa pangakong $750 million loans upang suportahan pa ang laban ng bansa kontra sa coronavirus pandemic.

Ang loan agreement ay bahagi rin ng pangako ng Asian Infrastructure Investment Bank sa programa ng Pilipinas sa COVID-19 Active Response and Expenditure Support (CARES).

Ayon kay Department of Finance (DOF) Secretary Carlos Dominguez III layon ng naturang budget support facility ay upang maibsan ang epekto ng krisis ng COVID sa ekonomiya ng Pilipinas.

AIIB loans
Headquarters of Asian Infrastructure Investment Bank (AIIB)

“The loan package from the AIIB will help augment our funding requirements necessary to mitigate the severe negative impact of COVID-19 on our people and our economy. On behalf of the Philippine government, we thank the AIIB and President Jin Liqun for committing with the ADB to support the CARES program, which will go a long way in helping our people get back on their feet, and our economy recover and emerge stronger after the crisis,” ani Secretary Dominguez sa statement.

Inaasahan naman na maipapaluwal na ang pondo ngayong buwan kung saan ang pautang ay merong maturity period na 12 taon at may grace period o hindi muna babayaran sa loob ng tatlong taon.

Ang pag-apruba ng AIIB bilang co-financing sa CARES program ay ikalawang loan na pinagtibay para sa Pilipinas.

Noong taong 2017, nagbigay din ng go-signal ang AIIB para naman sa US$207.6-million loan bilang bahagi ng US$500-million Metro Manila Flood Control Management Project kung saan kasama sa nagpondo ay ang World Bank.

COVID RED CROSS PRC OFW TEST

About AIIB

The Asian Infrastructure Investment Bank (AIIB) is a multilateral development bank with a mission to improve social and economic outcomes in Asia. Headquartered in Beijing, we began operations in January 2016 and have now grown to 102 approved members worldwide. By investing in sustainable infrastructure and other productive sectors in Asia and beyond, we will better connect people, services and markets that over time will impact the lives of billions and build a better future.