pgatour
-- Advertisements --
PGA tour
PGA Tour

Plano ngayon ng PGA Championship na gawin simulan ang kanilang mga laro kahit na walang mga audience.

Ito ay matapos na bigyan na sila ng go-signal ng California health officials na simulan na ang torneo sa buwan ng Agosto.

Itinakda ang nasabing torneo mula Agosto 6-9 sa San Francisco kung saan taon-taon ay dinadaluhan ito ng nasa 40,000 katao sa Harding Park golf course.

Magugunitang unang itinakda ang nasabing torneo noong Mayo subalit dahil sa coronavirus pandemic ay kinansela ito.

Maging ang US Open golf tournament ay ipinagpaliban na rin mula Setyembre 17-20 sa New York.

-- Advertisement --