Reading Time: 1 minute

NAFTALAN, Azerbaijan – Patok at dinarayo ngayon ang crude oil bath sa ilang spa sa Azerbaijan.

Ayon sa staff ng spa, nag-umpisa ito dahil sa nakitang bisa makaraang gumaling ang isang camel na iniwanan na ng amo para mamatay sa tabi ng isang pool.

Pero makaraang malublob sa krudo, himala raw na gumaling ang hayop.

Mula noon ay sinubukan na rin ito ng mga taong may matinding karamdaman, hindi lamang mula sa Naftalan, kundi maging sa ibang mga bayan at bansa.

Katunayan isang babaeng Russian na nakilala lamang sa pangalang Sulfiya ang bumyahe doon sa pag-asang malulunasan ng crude oil bath ang kaniyang polyarthritis o sakit na nakakaapekto sa joints.

Hindi rin alintana ng ibang tumatangkilik ng kakaibang panggagamot ang mga kaguluhan sa karatig na lugar dahil sa sigalot ng Azerbaijan sa Armenia. (AFP)