GADON

Tuluyan nang ibinasura ng Supreme Court (SC) ang inihaing petisyon ni Atty. Larry Gadon laban sa pagbibibgay ng provisional authority ng National Telecommunications Commission (NTC) sa ABS-CBN Corporation para makapag-operate. 

Sinabi ng mapagkakatiwalaang source ng Bombo Radyo Philippines sa Korte Suprema 13 ng mga mahistrado na present sa en banc session ay nagdesisyong ibasura na ang naturang petisyon.

Ito ay hindi dahil sa moot and academic na ang isyu kundi dahil sa kawalan nito ng tinatawag na “legal standing.” 

1

Ang nabasurang petisyon ni Gadon ay laban kina Speaker Allan Peter Cayetano, Rep. Franz Alvarez ng House Franchise Committee at NTC Commissioner Gamaliel Cordobal

Sa petisyon ni Gadon, inihirit nito nitong pigilan ang NTC na magkaloob ng provisional authority sa ABS-CBN. 

Sa naturang petition for prohibition ni Gadon, hiniling ng kontrobersiyal na abogado sa SC na pigilan ang NTC na aksyunan ang sulat ng House Franchise Committee na nag-uutos dito na mag-isyu ng provisional authority sa ABS-CBN Corporation. 

Naniniwala si Gadon na walang kapangyarihan ang NTC para magbigay ng permit para makapagatuloy na makapg-operate ang Kapamilya network sa sandaling mapaso na ang prangkisa nito dahil ang trabaho anya ng NTC ay bilang isang regulatory at supervisory body.