LA UNION – Tututukan ng Public Employment Service Office (PESO) ang employment sa lokalidad.

Ayon kay PESO manager Charito Dator sa panayam ng Bombo Radyo La Union pangunahin nakikita nilang nangangailangan ng trabaho sa La Union ay may kaugnayan sa business courses dahil sa dumaraming ipinapatayong establishimento o opisina dito.

Maliban pa ang call center gayundin ang nasa food chains.

Layunin pa ng PESO katulong ang Department of Labor & Employment (DOLE) at iba ang ahensiya ng gobyerno na siguraduhin ang ambag na trabaho na pwedeng pasukan ng mga job seekers sa lalawigan.

Dahil dito, inaanyayahan ni Dator ang mga job seekers na bisitahin ang PSEO La Union upang malaman ang mga job vacancy na maari nilang pasukan.

-- Advertisement --