Problema sa pera at personal na mga isyu ang ilan sa nakikitang rason sa kaso ng pamamaril ng isang Manolo Benigno de Leon sa kaniyang sariling pamilya sa Paranaque City.

Ayon kay Paranaque Chief of Police Col. Rogelio Rosales, nakuha na nila ang salaysay ng kasambahay at vital informations sa crime scene at si De Leon ang nakikitang may kagagawan nito.

Sinasabing pinagbabaril ng lalaki ang asawa at dalawang menor de edad na anak bago ito nagbaril sa sarili.

Base sa salaysay ng kasambahay ng pamilya, nagpabili ito sa kaniya ng olive oil kahapon ng tanghali.

Laking gulat na lamang niya ng pagbalik nito ng dalawang oras ay nakita niyang wala ng buhay ang mga amo nito sa kanilang bahay sa Barangay San Isidro.

Nakitang patay ang inang si Dianne Cristel sa loob ng sasakyan na nakaparada sa kanilang garahe habang ang 9-anyos na lalaking anak nila ay nakita sa masters bedroom.

Wala ring buhay nang makita ang 14-anyos na anak na babae.

Habang nasa crime scene naman ang kalibre 45 na baril katabi ng ama.