Personal na alitan ang nakitang motibo ng Meycauyan PNP sa pagpatay sa mag-asawang senior citizen nitong Lunes ng madaling araw.

Ayon kay Police Major Alexander Dioso, deputy chief ng Meycauayan City police sa Bulacan, na patungo sa palengke ang mag-asawang Felix Bernabe, 76 at Estelita ng bigla na lamang silang harangin at pinaghahampas ng kahoy na may nakakabit na kadena.

Naaresto naman ang isang lalaki at anak nitong menor de edad na responsable sa insidente.

Lumabas sa imbestigasyon na nagkaroon ng alitan ang dalawa panig matapos na murahin ng mga biktima ang mga suspek dahil sa panunungkit ng mangga.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here