Lalo pang lumakas ang tropical storm Perla sa mga nakalipas na oras.

Ayon sa Pagasa, huling namataan ang sentro ng bagyo sa layong 790 kilometro sa silangan ng Basco, Batanes.

Taglay na ng sama ng panahon ang lakas ng hangin na 75 kph at may pagbugsong 90 kph.

Kumikilos pa rin ito nang napakabagal, habang patungo sa direksyon ng Japan.

Samantala, northeasterly surface windflow naman ang umiiral sa malaking parte ng Luzon.