Inanunsiyo ng broadcast journalist na si Korina Sanchez-Roxas ang maagang pagpapabinyag ng twins nila ni Mar Roxas sa Amerika.

Ginawa ni Korina ang pagkumpirma sa pamamagitan ng social media account na may kasamang mga larawan.

Nag-officiate sa blessing ng kanilang twins ay ang parish priest ng Sacred Heart Church sa Pittsburgh kung saan ang nagsilbing witness ay kanyang mga kaanak.

Kung maaalala noong nakaraang buwan lamang ay kapwa ipinakilala nina Korina at Mar ang kanilang bagong silang na kambal.