Pentagon
-- Advertisements --

Bumuo ng bagong opisina ang Pentagon para imbestigahan ang mga unidentified flying objects (UFO).

Sinabi ni Deputy Secretary of Defense Kathleen Hicks na bubuin ng intelligence and security office ng US Defense Department ang nasabing bagong opisina.

Ang nasabing kautusan ay inilabas matapos ang US intelligence report tungkol sa posibleng alien.

Nakatuon ang nasabing bagong opisina sa insidente o ang special use airspace (SUA) areas na striktong kontralado dahil sa seguridad.

Ilang insidente na rin kasi ang naiulat ng paglipad ng hindi malamang uri ng UFO na nagiging banta sa seguridad ng US.

-- Advertisement --