zion williamson
Zion Williamson/ Photo courtesy of NBA

Hindi makakapaglaro ng isang linggo sa pagsisimula ng NBA season si rookie star Zion Williamson.

Ito ay matapos na magtamo ng knee injury.

Isa rin itong dahilan kung bakit hindi na siya pinaglaro ng kaniyang koponang New Orleans Pelicans sa pre-season sa New York.

Sasailalim sa pagsusuri ang 19-anyos na forward para ito ay agad na makabalik sa paglalaro.

Si Williamson ay top pick ng Pelicans noong Hunyo sa NBA Draft.