Mahigit 200 opisyal ng pamahalaan ang iimbestigahan ng Presidential Anti-Corruption Commission (PACC)

Sa press briefing sa MalacaƱang, sinabi ni PACC Commissioner Greco Belgica, uunahing imbestigahan ng PACC ang mga matataas na opisyal ng kinauukulang ahensya.

Ayon kay Belgica, kabilang dito ang Philippine Charity Sweepstake Office (PCSO), Department of Transportation, Bureau of Customs, Department of Public Works and Highways, Bureau of Internal Revenue, at Department of Environment and Natural Resources.

Kaugnay nito, tiniyak naman ni Belgica na matatapos nila ang lifestyle check sa bawat ahensya sa loob ng dalawa hanggang tatlong buwan.

Sa kasalukuyan, inihayag ni Belgica na inuuna muna ng PACC ang lifestyle check sa PCSO officials.