Inimbitahan ng PH Coast Guard ang Vietnamese Coast Guard para magsagawa ng kauna-unahang trilateral marine pollution exercise (Marpolex) sa buwan ng Hunyo.
Ito ay layuning mapalakas pa ang ugnayan ng dalawang hukbo.
Ayon kay PCG spokesman Rear Admiral Armand Balilo, ang naturang exercise ay magtatagal ng 5 araw na gaganapin sa Bacolod, Negros Occidental sa ikatlong linggo ng Hunyo.
Lalahok din sa naturang exercise ang Coast Guard mula Indonesia at Japan.
Iimbitahan din ang US at Korean Coast Guards para mag-obserba sa naturang trilateral exercise.
Nasa 5 barko ng Pilipinas ang lalahok naman sa naturang pagsasanay habang ang Indonesia ay magpapadala ng 2 barko at isa naman sa Japan.
Ang imbitasyon sa Vietnam ay kasunod na rin ng pagbisita kamakailan ni PBBM sa Hanoi Vietnam na lumagda sa isang kasunduan para sa pagkakaroon ng hotline sa pagitan ng kanilang coast guards sa gitna ng tensiyon sa pinagtatalunang karagatan kung saan bahagi nito ang West PH Sea.