Bineberipika na ng Philippine Coast Guard (PCG) ang mga ulat na umabot na sa ilang baybayin sa Cavite ang langis mula sa lumubog na Motor Tanker Terra Nova sa bahagi Manila Bay.
Ayon kay Coast Guard Station Bataan Commander Michael John Encina na nakipag-ugnayan na ang PCG sa Department of Interior and Local Government (DILG) at Department of Environment and Natural Resources para matukoy ang mga lugar na apektado ng oil spill mula sa lumubog na motor tanker.
Una ng iniulat ng grupo ng mangingisda na Pambansang Lakas ng Kilusang Mamamalakaya ng Pilipinas (Pamalakaya) na umabot na sa baybayin ng Tanza ang oil spill.
Ngunit batay sa aerial monitoring ng ahensya noong Lunes ng umaga, nabawasan ang lawak ng oil spill sa humigit-kumulang 2 hanggang 4 na nautical miles (nm) o 3.7 hanggang 7.4 kilometro, patungong timog-silangan.
Aniya, minimal at napaka-kontrolada ang tagas na ibig sabuhin, 1 litro na pagtagas kada oras o 24 litro araw-araw.
Sinabi ni Coast Guard Station Bataan Commander Michael John Encina na nakipag-ugnayan na ang PCG sa Department of Interior and Local Government (DILG) at Department of Environment and Natural Resources para matukoy ang mga lugar na apektado ng oil spill mula sa lumubog na Motor Tanker (MT).