KALIBO, Aklan—Handa na ang Philippine Coast Guard (PCG)-Aklan sa inaasahang pagbuhos ng mga mamamayan sa baybayin kasabay sa selebrasyon ng kapistahan ni San Juan de Bautista ngayong araw, Hunyo 24.
Inihayag ni Sr. Chief Petty Officer Dominador Salvino, Deputy Station Commander for Operation ng PCG-Aklan na naka alerto ang buong hanay nila at magtatalaga ng mga tauhan sa mga karaniwang pinupuntahan ng mga tao upang agad na makapagresponde sakaling magkaroon ng emerhensiya.
Inaasahan na rin nila ang pagdagsa ng mga turista sa isla ng Boracay at iba pang lugar na malapit sa dagat.
Samantala, ipinaabot ni Salvino na maging maingat sa pagdiwang ng kapistahan ni San Juan Bautista upang maiwasan ang mga insidente ng pagkalunod at iba pa.
Sapat din aniya ang mga personnel katuwang ang coast guard auxilliary at iba pang kaukulang ahensiya ng gobyerno upang magbantay sa mga beachgoers na magsasagawa ng first aid lalo na sa mga drowning incident.
Nabatid na umaabot sa walo ang sub-station ng PCG sa Aklan.