-- Advertisements --
image 203

Target ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na palakasin pa ang depensa ng ating bansa sa pamamagitan ng pagpapahusay ng kapasidad ng PH First Scout Ranger Regiment (FSRR) laban sa emerging threats.

Inihayag ito ng Pangulo sa kaniyang talumpati kasabay ng ika-73 founding anniversary ng First Scout Ranger Regiment ng Philippine Army ngayong araw sa Camp Tecson, San Miguel sa lalawigan ng Bulacan.

Sa pagdaraos ng naturang event, kinilala din ang binigyang pugay ni Pangulong Marcos ang awardees ng naturan unit para sa kanilang hindi matatawarang paggampan ng kanilang mga tungkulin.

Kayat hinimok din ng Pangulo ang Scout Rangers na ipagpatuloy ang pagpapamalas ng katapangan, dedikasyon, kahusayan, propesyunalismo at katapangan sa kanilang misyon sa pagprotekta at pagpapaunlad sa ating bansa

Binigyang diin din ng Pangulo na isang national concern ang pagsusulong ng pangmatagalang kapayapaan.

Aniya, ang pag-isyu ng Executive Order No. 47 na nag-aamyenda sa EO No 125 series of 2021 na lumikha sa National Amnesty Commission ay direktang nakahanay sa misyon ng Scout Ranger.

Kung saan sa pamamagitan aniya ng pagbibigay ng daan para sa mga dating rebelde na magbalik loob sa gobyerno, nakatulong ang national amnesty program sa pangkalahatang istabilidad at pagkakaisa sa ating bansa.